Hanggang - Gerald Santos
Lyrics by:Gigi Cordero/Ronnie Cordero
Composed by:Gigi Cordero/Ronnie Cordero
Arranged by:Paolo Zarate
Produced by:Antonino Rommel Ramilo
Ilang ulit mo nang itinatanong sa akin
Kung hanggang saan
Hanggang saan hanggang kailan
Hanggang kailan magtatagal
Ang aking pagmamahal
Hanggang may himig pa akong naririnig
Dito sa 'ting daigdig
Hanggang may musika akong tinataglay
Kita'y iniibig
Giliw 'wag mo sanang isiping
Ikaw ay aking lilisanin
'Di ko magagawang lumayo sa 'yong piling
At nais kong malaman mo kung gaano kita kamahal
Hanggang ang diwa ko'y tanging sa 'yo laan
Mamahalin kailanman
Hanggang pag-ibig ko'y hanggang walang hanggan
Tanging ikaw lamang
Hanggang may himig pa akong naririnig
Dito sa 'ting daigdig
Hanggang may musika akong tinataglay
Kita'y iniibig
Giliw 'wag mo sanang isiping
Ikaw ay aking lilisanin
'Di ko magagawang lumayo sa 'yong piling
At nais kong malaman mo kung gaano kita kamahal
Hanggang may puso akong marunong magmahal
Na ang sinisigaw ay lagi ng ikaw
Hanggang saan hanggang kailan
Hanggang kailan kitang mahal
Hanggang ang buhay ko'y kunin ng may kapal
Giliw 'wag mo sanang isiping
Ikaw ay aking lilisanin
'Di ko magagawang lumayo sa 'yong piling
Hanggang may pag-ibig laging isisigaw
Tanging ikaw
Hanggang may pag-ibig laging isisigaw
Tanging ikaw