Kung Ako Ba Siya - Various Artists
Matagal ko nang itinatago
Mga ngiti sa munti kong puso
Batid kong alam mo nang umiibig sa yo
Bakit hindi mo pansin itong aking pagtingin
Ba't di mo ramdam ang tibok nitong dibdib
Kaibigan lang pala ang tingin mo sa akin
Kung ako ba siya mapapansin mo
Kung ako ba siya mamahalin mo
Ano bang mayro'n siya na wala ako
Kung ako ba siya iibigin mo
Masakit ko mang isipin
Mahirap mang tanggapin sa damdamin
Pag ibig mo pala'y hindi sa akin
Ngunit anong gagawin ng puso
Sa yo lang ibinigay ang pangako
Patuloy nga namang aasa sa yo sinta
Kung ako ba siya mapapansin mo
Kung ako ba siya mamahalin mo
Ano bang mayro'n siya na wala ako
Kung ako ba siya iibigin mo
Ikaw lamang ang inibig nang ganito
Sabihin mo kung paano lalayo sa yo
Kung ako ba siya
Kung ako ba siya mapapansin mo
Kung ako ba siya
Kung ako ba siya mamahalin mo
Ano bang mayro'n siya na wala ako
Kung ako ba siya kung ako ba siya
Kung ako ba siya
Oh
Iibigin mo